Sunday, August 2, 2009

I'm One of the Hottest Gaming Barkada

Awwwoooo~ Finally, after weeks and weeks of pagkabitin, inamin na rin ni GM Lowe na s’ya ang pang-apat na member ng Audition Barkada!


Syempre, ang unang tanong na agad na pumasok sa ating isipan—why? Di ba’t GM Lowe na s’ya? GM Lowe is known for his involvement in the community. Di na n’ya kailangan pang sumali sa grupo para maging kabarkada ng lahat!


“Actually, ito ang maganda sa campaign na ito. Dito kase, nakikita na kahit sino ka pa, saan ka man galing o ano man ang profession mo, as long as may passion ka for Audition Dance Battle, lahat tayo magkakabarkada,” paliwanag ni GM Lowe.


Photobucket


“Siguro, ang pinakaimportante sa akin about the Audition barkada is the opportunity to do more for the community. Nakasama n’yo na ako as a game master, naging Community Manager ninyo ako…at naging Product Manager ng paborito nating online game. Now, I want to be with everyone as a barkada naman. I think that’s a lot more special.”


Aww…nakakatats naman! Naaalala ko pa noon, mag-isa lang na inaasikaso ni GM Lowe ang mga events ng Audition. Dahil kakaunti pa lang ang employees ng e-Games, naiwan sa kanya ang pangangalaga ng community, pagma-manage ng Audition, at maging ang pakikipag-negotiate sa mga Korean partners!


May mga times na inaabot s’ya ng madaling araw sa opisina para lang maihabol sa deadline ang lahat ng mga kailangang matapos.


Photobucket


“Ay, totoo yan! Meron pa ngang time, nung nasa 34th Floor pa ang office ng e-Games, akala ko may taong dumaan. Past 3am na yun, may inaayos akong last minute details para sa Audition anniversary. So syempre, natuwa ako kase may kasama pa pala ako. I rose from my seat and went to check kung sino yun. Pagtingin ko sa corridor, walang tao!” kwento ni GM Lowe na may kasama pang re-enactment at tawa.


“Maybe it was just my imagination dahil sa magkahalong pagod at antok pero ibang level talaga ang na-feel ko nung mga time na yun. Grabe! Sabi ko, kung di lang para sa mga players ng Audition, di ko titiisin yun!”


Pero para kay, GM Lowe, ang makitang ang-eenjoy ang mga Audista ay enough nang reward para sa kanya. Proof niyon ang pag-iyak niya tuwing event.


Photobucket


“Grabe, di ko talaga mapigilang mapaiyak. Nakaka-touch kase nararamdaman kong naa-appreciate ng mga players ang lahat ng efforts ko. Noong una nga, nagulat pa ako. Di ko alam na kilala pala nila ako,” sabi ng Product Manager ng Audition.


“It’s a great feeling talaga. I saw how the community grew. Dati, wala pang 100 ang uma-attend sa event…ngayon kaya na nating punuin ang isang buong activity center ng mall! Tsaka yung bond between Audition players, kakaiba talaga. Eto yung barkadahan na mahirap mahanap sa ibang games. Kaya nga I’m so proud of Audistas. Kahit ano pa ang mangyari, Audition will always be my baby.”


Para sa iba pang kwento tungkol kay GM Lowe, abangan ang Kabarkada series bukas hanggang Biyernes!

by:Medelyn Menguito

No comments:

Post a Comment